Empleyado ng golf course sa Pasay City na nagnakaw ng pera, arestado!

VILLAMORArestado ang isang lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw sa Villamor Golf Course, Pasay City.

Kinilala ang suspect na si Benly Magbanua, 48-anyos at nagta-trabaho bilang isang ‘caddie’ sa golf course.

Batay sa imbestigasyon, nakita ng isang security guard ang suspect na nag-ober-da-bakod para makapasok sa Villamor Golf Course.

Dahil dito, inalerto niya ang sina Technical Sgt. Bobby Dela Cruz at Sgt. Raiben Zara at nahuli ang suspect na palabas ng golf course at nakasampa sa pader.

Sa reklamo ng biktimang kahero sa Caddie House, aabot sa mahigit 10 libong piso ang tinangay ng suspect mula sa kabinet ng opisina.

Nakuha naman sa kamay ng suspect ang pera at nail cutter na ginamit para sirain ang kaha.

Nahaharap sa kasong robbery ang suspect na si Magbanua.

Read more...