Abu Sayyaf Member patay sa pakikipagbarilan sa mga sundalo

military-070815
Inquirer file photo

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Marines sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer, nakasagupa ng mga miyembro ng Marines Special Operations Group ang grupo ni Abu Sayyaf Sub Leader Alhabsy Misaya sa Brgy. Buhih Bangaw, Tongkil, Sulu.

Tumakas ang mga ASG sa kasagsagan ng bakbakan.

Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng militar.

Nagsasagawa ng operasyon ang militar sa lugar laban sa mga terorista na mayroong hawak na 31 na mga bihag.

Read more...