Driver’s error itinuturong dahilan ng aksidente ng bus ng Panda Tour sa Tanay

Tanay-Bus-accident-2
Inquirer file photo

Nagsagawa ng hiwalay na pag-iimbestiga ang Philippine Global Road Safety Partnership sa trahedya na kinasangkutan ng Panda Tours sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Alberto Suansing, Executive Director ng grupo, sa kanilang imbestigasyon lumalabas na nag-panic o nataranta ang driver na si Julian Lacorda Jr.

Sinabi ni Suansing na tinahak nila ang kalsada kung saan naganap ang aksidente at aniya may teorya sila na kung alam lang ng driver ang dapat gawin ay maaring nalaglag lang sa kanal ang bus.

Base sa pagsusuri sa bus partikular na sa brake system nito, hindi nawalan ng preno ang bus kundi may indikasyon na nag-init ito dahil sa pagtapak-tapak ng driver.

Dagdag pa nito sa pagsusuri naman nila sa transmission ng bus, ito ay nasa neutral mode indikasyon na naghahanda na ito sa pababang bahagi ng kalsada.

Read more...