Hindi pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanyang naka-tandem noong may 2016 elections na si Senador Alan Peter Cayetano.
Paliwanag ng pangulo, masyadong matalino si Cayetano at hindi dapat na mawala sa senado.
Sa ngayon, kuntento ang pangulo kay Foreign Affairs acting Secretary Enrique Manalo.
Matatandaaang nabakante ang posisyons sa DFA matapos hindi makalusot sa Commission on Appointments si Secretary Perfecto Yasay dahil sa pagiging American citizen nito.
Sa ngayon, aminado ang pangulo na hindi pa sila nagkakausap ni Yasay at kung ilalagay sa ibang posisyon sa pamahalaan.
“But, you know, Senator Cayetano is a very brilliant man. He would be needed by the Senate. ‘Wag ninyong walain ‘yan. Dito pwede naman acting, acting eh”, ayon pa sa pangulo.