CGMA, malabong tanggapin ang pagiging BSP Governor

gloria arroyoNaniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatanggapin ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang maging Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Chairperson ng Bangko Cental Monetary Board.

Ito ay kahit na lumutang pa ang pangalan ni Arroyo na susunod na BSP Governor kapalit ni BSP Governor Amado Tetangco Jr.

Paliwanag ng pangulo, maraming office work ang pagiging BSP Governor at tiyak na ayaw na nitong balikan pa ni Arroyo.

Bukod kay Arroyo, ilan sa mga pagpipilian ng pangulo sina Bangko Sentral Deputy Governors Diwa Guinigundo at Nestor Espenilla habang lumulutang din na suportado ng PDP-Laban ang CEO ng East West Bank na si Antonio Moncupa Junior bilang susunod na BSP Governor.

Pero ayon sa pangulo, hihintayin nya ang rekomendasyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Read more...