Kadamay, palalayasin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pandi Bulacan

pandi housingPalalayasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Kadamay na marahas na umokupa sa pabahay ng gobyerno sa Pandi Bulacan.

Ayon sa pangulo, maglalabas siya ng eviction order para paalisin ang mga miyembro ng grupo na wala namang dalang kaukulang dokumento. Hindi niya umano palalagpasin ang marahas na pag-ukopa ng grupong Kadamay.

Sinabi pa ng pangulo na anarkiya ang ginawa ng Kadamay dahil sa halip na makipag-dayalogo sa mga kinauukulan ay bigla na lamang sumugod ang mga ito at pilit na pinaalis ang mga pamilyang naninirahan na sa lugar.

Dagdag pa ng pangulo na hindi naman siya papayag na gawing inutil ng Kadamay ang gobyerno.

Read more...