Sa pangunguna ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate, iginiit ng complainants na hindi ipinaliwanag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales kung bakit inabswelto si dating Pangulong Benigno Aquino III mula sa kontrobersyal na DAP.
Ito ay sa kabila ng nakitang probable cause o sapat na batayan para kasuhan si dating Budget Secretary Florencio Abad ng usurpation of legislative powers.
Anila, tanging binanggit ni Morales ay ang National Budget Circular 541, at hindi binigyang pansin ang mga naging kautusan ni Aquino kaugnay ukol sa DAP.
Sinabi ng complainants na maaari pa ring panagutin si Ex-PNoy sa usurpation dahil siya mismo ang nag-apruba sa DAP.
Noong March 3, pinakasuhan ng Ombudsman si Abad dahil sa paglabag sa Article 239 ng Revised Penal Code.
Ayon kay Morales, sa pag-isyu ng dating kalihim ng NBC Number 541, pinanghimasukan nito ang kongreso dahil sa binago nito ang probisyon ng savings ng 2012 General Appropriations Act.