Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, mayroong mga indibidwal o grupo ang nagpapanggap bilang tauhan o isang mataas na opisyal ng DPWH, at manghihingi ng pabor o solisitasyon sa porma ng fund raising events o pagbibenta ng mga raffle tickets.
Ayon sa kalihim, walang mga ganitong proyekto ang kanilang departamento at mariin nitong kinukundena ang sino mang nasa katungkulan na aabuso sa kapangyarihan.
Kaugnay nito, nananawagan ang kalihim sa publiko, na sakaling makaranas ng mga kaparehong insidente ay agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan, nang agad na maaksyunan.