Mga hindi kontento sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, hinimok na gayahin ang South Korea

duterte councilors pasayHinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na gayahin ang South Korea kung saan pinatalsik si President Park Geun-Hye dahil sa isyu ng korupsyon.

Ayon sa pangulo, malaya ang sinuman na mag-rally para patalsilkin siya sa puwesto kung mabibigo siyang tuparin ang kanyang pangako na tuldukan ang problema sa ilegal na droga, korupsyon at kriminalidad.

Ayon pa sa pangulo, hindi na kinakailangan na kumuha ng permit to rally ang sinumang magnanais na magsagawa ng kilos protesta basta’t siguraduhin lamang na hindi makaabala sa kapwa lalo na sa daloy ng trapiko.

Kahit aniya araw – araw o gabi – gabi na magsagawa ng kilos protestsa ang milyun-milyong Filipino sa kalsada ay ayos lang sa kanya.

“You are free to ask for my dismissal, you can go out in the streets by the millions. Pero iyong pangako ko tutuparin ko iyan. I rise and fall on my election promises. Pag hindi ko kayang gawain iyang anung ipangako ko sa inyo, di alisin ninyo ako. Ngayon kunyari kay Park sa Korea. You can demonstrate every night and we will not require any permit, consent to that, go ahead. Every night, every day. Pero basta ako sa pagka-alam ko what I promised, I will do, drugs, corruption, criminality.” – PRRD

Dagdag ng pangulo, noon pa man, nakahanda siyang lisanin ang kanyang pwesto lalo na kung may isang tao na maglalakas loob na angkinin ang kanyang panunungkulan.

Read more...