P0.35-P0.70 na rollback sa presyo ng langis, ipatutupad ngayong araw

 

Sa ikalawang magkasunod na linggo, muling magpapatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produkto simula ngayong araw, March 14.

Sa kanilang anunsyo, magkakaltas ng 35 centavos sa halaga ng kada litro ng gasolina, at 60 centvos naman sa kada litro ng diesel ang Unioil, Eastern, Jetti, Petron, SeaOil, Phoenix, PTT, Shell at Total simula alas-6:00 ng umaga.

Magkakaroon din ng bawas na 70 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene ang Petron, Shell, at SeaOil.

Gayundin ang halaga ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ng kumpanyang Flying V na nauna nang magpatupad simula kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Read more...