Aguirre, walang nakikitang mali sa kanyang pakikisalamuha sa mga Marcoses

 

Walang nakikitang mali si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II kung makita man siya na kasama ang mga Marcos.

Ito ang naging reaksyon ni Aguirre sa Facebook post ng social activist na si Gang Badoy ng Rock Ed Philippines na nagsabing namataan ang kalihim kasama si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, ang anak niyang si dating Sen. Bongbong Marcos, at manugang na si Gregorio “Greggy” Araneta sa isang pagtitipon sa Greenbelt, Makati dalawang linggo na ang nakalipas.

Giit ni Aguirre, wala siyang nakikitang masama sa pakikisalamuha niya sa mga Marcos, dahil ito ay isa lamang social at enterteinment event.

Paliwanag ng kalihim, inimbitahan siya ng producer ng Mamasapano documentary movie na “Fallen not forgotten: The Untold Story of the Gallant SAF 44” sa advance screening nito.

Bukod sa kaniya, inimbitahan din ang pamilya Marcos kabilang na si dating Sen. Bongbong Marcos kasama ang 100 iba pang manonood.

Binanggit pa ni Aguirre na malaki ang ginampanan ng dating senador sa imbestigasyon ng Mamasapano incident kung saan siya nagsilbing counsel ni Gen. Getulio Napeñas.

“What is wrong about being seen with the Marcoses? We were not alone, we were with other invited guests,” ani Aguirre.

Read more...