Suspek sa pagpatay sa dalawang dentista sa Makati, ipinaaaresto na

 

Naglabas na ang korte ng arrest warrant laban sa suspek sa robbery-slay sa dalawang dentista sa magkahiwalay na insidente sa Makati City noong nakaraang taon.

Ayon sa pulisya, ang suspek na si Allen Hussein Sumadlayon na huling tumira sa Barangay Carmona sa Makati City ay sangkot din sa ilang kaso ng rape na nangyari sa mga ninakaw na taxi.

Inilabas ni Judge Maximo de Leon ng Makati City Regional Trial Court Branch 143 ang arret warrant noong Pebrero matapos niyang matanggap ang kasong robbery-homicide laban kay Sumadlayon dahil sa pagpatay sa mga dentistang sina Raquel Magsalin at Antonio Limos noong July 2016.

Natukoy si Sumadlayon sa pamamagitan ng mga artist sketches, at isang call center agent din ang nakakilala sa kaniya dahil ito aniya ang taxi driver na nagtangkang gumahasa sa kaniya noong April 2016.

Read more...