Robredo, inabswelto ni Duterte sa mga umano’y “destabilization plots”

 

Inquirer file photo

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na walang kinalaman si Vice President Leni Robredo sa mga umano’y “destabilization” plots laban sa kaniya.

Sa kaniyang press conference sa Malacañang, pinagbintangan naman ng pangulo ang mga minahan sa pagpo-pondo sa mga planong pagpapabagsak sa kaniya ng mga kalaban niya sa pulitika.

Aniya, alam na niyang sinusuportahan ng mga minahan ang oposisyon para ugain ang kaniyang administrasyon.

Gayunman, iginiit niya na hindi niya sinasabing kasama si Robredo, at hindi niya layong kaladkarin ang pangalan ng pangalawang pangulo sa isyu.

Sa kabila naman ng pagbanggit dito ng pangulo, ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, wala silang namomonitor na destabilization plot laban sa administrasyon, at na ang mga kritisismo laban dito ay hindi naman maituturing na mga ouster schemes.

Samantala, una naman nang itinanggi ng pangulo na may kinalaman siya sa paglabas ng online hoaxes na “Naga Leaks” na nag-uugnay sa asawa ng bise presidente na si Jesse Robredo sa sugalan at iligal na droga sa kanilang bayan.

Inilarawan pa ng pangulo ang mga alegasyong ito bilang basura at pawang black propaganda lang aniya.

Read more...