Hindi maaaring angkinin ng Pilipinas ang Benham Rise-China

 

Kinontra ng China ang pag-angkin ng Pilipinas sa Benham Rise.

Ito’y sa kabila ng naunang desisyon ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf noong 2012 na nagsabing bahagi ng continental shelf ng Pilipinas ang naturang lugar.

Ayon kay Chinese foreign ministry spokesperson Geng Shuang, bagama’t sinabi ng UN na maaaring makapagsagawa ng exploration at development ng natural resources ang Pilipinas sa Benham Rise Plateau, hindi naman nangangahulugan na teritoryo na ito ng Pilipinas.

Ikalawamang punto aniya, isinasaad ng international law, kabilang na dito ang UN Convention on the Laws of the Sea o UNCLOS na hindi naaapektuhan ng isang coastal state ang karapatan nito sa continental shelf at ang paligid nito at maging ang kanyang air space.

Hindi rin aniya apektado ang karapatan ng naturang bansa sakaling magsagawa ng ‘innocent passage’ sa naturang lugar sa ilalim ng international law paliwapag pa ni Shuang.

Una nang kinumpirma ng China na nagsagawa ng paglalayag ang research vessel nila sa Benham Rise ngunit itinangging nagsagawa sila ng pagsasaliksik sa lugar.

Ang Benham Rise ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Luzon na may lawak na 13 milyong ektarya.

Sinasabing puno ng likas na yaman ang naturang lugar.

Read more...