Tumangging magpasok ng anumang plea si Sen. Leila De Lima sa kanyang arraignment sa Quezon City Metropolitan Trial Court kaugnay sa reklamong inihain sa kanya nina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo FariƱas.
Nag-ugat ang reklamong paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code may kaugnayan sa kanyang pag-utos sa kanyang dating driver, bodyguard at lover na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kamara sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.
Dahil sa hindi paghahain ng plea ni De Lima kaya si Q.C-MTC Branch 34 Judge Ma. Ludmila De Pio Lim na ang nagpasok ng not guilty plea para sa mambabatas.
Sa April 26 itinakda ang pagsisimula ng pagdinig sa reklamo kung saan ay maghahaharap ang Department of Justice ang anim na mga saksi kabilang na si Alvarez.
Bukas, araw ng Martes ay nakatakdang humarap sa Supreme Court ang mga abogado ni De Lima para sa oral argument kaugnay sa kanilang petisyon sa ginawang paglalabas ng warrant of arrest laban sa senadora.