Kaagad na ibinalik ng Philippine National Police (PNP) sa pamilya ng kidnap victim na si Francis Maulion ang halaga ng ransom na nabawi ng Anti Kidnapping Group (AKG).
Nagkakahalaga ng P1.2 Million ang naibalik sa pamilya ni Francis Maulion na tinanggap ng kaniyang mga magulang mula kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa
Nabigatan pa si Dela Rosa sa pagbitbit sa ransom money dahil may kasama itong mga barya na nakalagay sa itim na plastic shopping bag
Ang nabanggit na halaga ay pangalawa na sa ransom na binayaran ng pamilya
Nauna nang nagbayad ang pamilya ng P1.4 Million noong buwan ng Enero pero hindi pa rin pinalaya ang biktima.
Si Maulion ay dinukot sa kanyang farm noong Nobyembre 23, 2016 kung saan ay inilipat siya sa iba’t ibang mga lugar para hindi mailigtas ng mga otoridad.
Bukod sa ransom money ay nabawi rin ng PNP sa mga suspek ang ilang matataas na kalibre ng baril.