Bahagi ng Trinoma Mall nasusunog

Trinoma1
Photo: Radyo Inquirer

Itinaas na sa 2nd alarm ang sunog sa Trinoma Mall Sa Quezon City kaninang 2:34 ng tanghali.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa bodega ng mga appliances sa loob ng Landmark  na matatagpuan sa basement ng Trinoma Mall malapit sa Mindanao Avenue gate.

Bagaman hindi kita ang apoy dahil sa nasa loob ng basement ang sunog, makapal na usok naman ang sumasalubong sa mga tauhan ng BFP na nakaka-apekto na rin sa ngayon sa transport terminal area ng nasabing mall.

Sinasabing ilang minuto ring na-trap pero ligtas naman ang aircon technician na si Anthony Molina

Pansamantala munang hindi pinapapasok sa lugar ang lahat ng mga uri ng sasakyan partikular na ng mga AUV Express para bigyang-daan ang pagdating ng mga bumbero.

Ang mga pasahero ng MRT 3 ay hindi muna pinapapasoka sa loob ng nasabing mall bagaman malayo ito sa connecting platform ng North Avenue station.

Pasado alas-kwatro ng hapon ay idineklarang confined fire ang sunog pero hindi pa ito naidedeklarang fireout dahil sa makapal na usok.

Read more...