LP ipinamukha ang mga kapalpakan ng Duterte administration

kiko-pangilinan
Inquirer file photo

Binuweltahan ng Liberal Party ang administrasyong Duterte sa isyu ng destabilization plot.

Sa isang pahayag, sinabi ni Liberal Party President Sen. Kiko Pangilinan na mismong mga tauhan ng pamahalaan ang sumisira sa kasalukuyang administrasyon.

Partikular na tinukoy ni Pangilinan ang problema sa loob ng Philippine National Police kung saan sangkot sa ilang kaso ng pagpatay ang mga mismong miyembro ng pambansang pulisya.

Sinabi rin niya ang problema sa National Irrigation Administration kung saan ay nasangkot sa katiwalian ang dating pinuno nito na si Peter Laviña.

Hinalungkat rin ni Pangilinan ang kontrobersiya na kasalukuyang kinakaharap ni Tourism Promotions Board Chief Operationg Officer Cesar Montano na inireklamo ng kanyang mga mismong tauhan dahil sa isyu ng pondo.

Pati na ang ginawang pagtataray sa airport ni Sandra Cam na nagsabing magiging miyembro siya ng Duterte administration ay bahagi umano ng mga sumisira sa kasalukuyang pamahalaan kaya’t hindi ito dapat isisi sa kanila ayon pa sa mambabatas.

Muling inulit ng pinuno ng LP na wala silang balak na pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan.

Read more...