Mag-asawa patay matapos tamaan ng kidlat habang nagjo-jogging sa Malaysia

FACEBOOK PHOTO
FACEBOOK PHOTO

Patay ang mag-asawa makaraang tamaan ng kidlat habang nagjo-jogging sa isang park sa Malaysia.

Sabay na tumatakbo ang mag-asawang sina Yee Boon Koo-59 anyos at Ooi Lee Chen-57 anyos kagabi sa Jalan Kenari, Puchong Jaya nang biglang kumidlat at sila ay tamaan.

Natagpuan ang wala nang buhay na mag-asawa na nakadapa sa parke.

Ayon sa mga otoridad, hindi naman umuulan nang mangyari ang insidente.

Isa sa mga testigo ang nagsabi na nakarinig pa siya ng malakas na sigaw, bago nakita ang wala nang buhay na mag-asawa.

 

 

 

 

Read more...