Dahil hindi naman nagagamit sa pang-araw araw, trigo at calculus subjects, gustong ipatanggal ni Pangulong Duterte

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na kung maari ay tanggalin na ang asignaturang trigonometry at calculus sa mga estudyante.

Paliwanag ng pangulo, hindi naman nagagamit sa pang araw-araw ng ordinaryong Pilipino ang naturang mga Math subject.

Inamin pa ng pangulo na nasusuka siya sa mga nabanggit na subject.

Hindi umano kasi niya maintindihan kung bakit kailangan pagsamahin ang mga numero at letra gaya halimbawa ng 1+2a+2b.

Hindi rin makita ng pangulo ang logic sa algebra, sine, cosine at iba pa.

“Itong trigonometry tapos calculus, wala naman tayo pakialam diyan. At bakit pa na, 1+2a+2b. Nasusuka tuloy ako. Bakit ihalo mo ‘yung alphabet pati Mathematics? Ba’t pa tayo makialam diyan cosine, sine. Iyang Trigonometry, something which is really above our head ordinarily. Filipinos are not adept sa Mathematics. It’s because ganon tayo lumaki,” ayon kay Pangulong Duterte.

Ayon sa pangulo, dapat simpleng arithmetic na lamang ang ituro sa mga estudyante.

 

 

Read more...