Hinihinalang rebelde patay sa bakbakan sa Camarines Sur

 

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA), habang nakumpiska naman ang limang matataas na kalibre ng baril sa pakikipagbakbakan ng rebeldeng grupo sa mga sundalo sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.

Kabilang ang nasabing hindi pa nakikilalang rebelde sa grupo ng mga NPA na naka-engkwentro ng platoon ng mga sundalo mula sa 83rd Infantry Battalion at 9th Infantry.

Ayon kay 9th Infantry Division spokesperson Capt. Joash Pramis, naganap ang insidente bago mag-tanghali ng Linggo sa Brgy. Pinamihagan sa naturang bayan.

Base aniya sa report ni 83rd Infantry Battalion commender Lt. Col. Eduardo Monjardin, tinimbrehan sila ng mga residente tungkol sa presensya umano ng mga rebeldeng NPA na nangingikil sa kanila.

Inabot sa 10 minuto ang bakbakan na ikinasawi ng isang rebelde, habang narekober naman ng mga sundalo ng Army ang isang machine gun, tatlong M16 rifles, M14 rifle, isang granada at mga dokumentong naiwan ng nagsi-takas na grupo ng NPA.

Read more...