Sa pagbubukas ng MRT, limang tren lamang ang nakabiyahe kaya agad humaba ang pila ng mga pasahero sa North Avenue Station.
Bago mag alas 6:00 ng umaga, nadagdagan ng konte ang bilang ng mga bumibiyaheng tren na umabot na sa siyam.
Alas 7:00 naman ng umaga, sinabi ng Traffic Control Center ng MRT na labingdalawa na ang operational na tren.
Pero mas mababa pa rin ang nasabing bilang kumpara sa normal na bilang ng mga tren na dapat bumibiyahe araw-araw na dapat ay 20 tren.
Hindi naman matukoy sa media ng Traffic Control Center ng MRT ang dahilan kung bakit hindi bumibiyahe ang ibang tren.
Wala ring sagot sa mga tawag sa telepono at text si MRT General Manager Roman Buenafe./ Erwin Aguilon