Sa kanyang talumpati sa naturang okasyon, sinabi ni Duterte na malaki ang maitutulong ng pederalismo sa mga taga-Mindanao upang maatim ang minimithing kapayapaan sa bansa.
Paliwanag ng pangulo, naging kapansin-pansin na kahit noong panahon ng kampanya, wala ni isa sa mga kandidato o maging mga mambabatas ang nagbabanggit ng mga problemang kinakaharap ng kanyang rehiyon na pinanggalingan.
Dahil dito aniya, lalong lumakas ang kanyang hangaring isulong ang pederalismo.
Kung hindi aniya maibibigay sa mga Moro ang federal set-up, hindi makakaranas ng kapayapaan ang bansa.
Pagtitiyak ng pangulo, sakaling ma-ratipikahan ang federal form of government, agad siyang bababa sa puwesto.