Pagbabalik ng peace talks, welcome sa Malacañang

FB Photo / Jess Dureza
FB Photo / Jess Dureza

Welcome sa Malacañang ang pagbabalik ng peace talks sa pagitan ng pamahalan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Gayunman, ipinaalala ni presidential spokesperson Ernesto Abella na ang tagumpay ng peace talks ay hindi lang responsibilidad ng pamahalaan.

Ayon kay Abella, patuloy silang umaasa na maiparating ng CPP sa kanilang mga ground forces na suklian ang mga pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang kapayapaan.

Naniniwala rin si Abella na ang panunumbalik ng peace talks ay makakatulong sa mga Pilipinong apektado ng bakbakan na tumagal na ng ilang dekada.

Isa rin aniya itong magandang senyales na nagpapakitang handa ang magkabilang panig na magkasundo para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Magpapatuloy ang usaping pangkapayapaan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF sa unang linggo ng Abril sa Oslo, Norway.

Read more...