Sa kaniyang handwritten letter, sinabi ni De Lima na hindi dapat maging hadlang ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para imbestigahan ng Senado at ng iba pang independent institutions tungkol sa mga alegasyon laban sa kaniya.
Kinwestyon rin ni De Lima kung nasaan na ang “fundamental sense of right and wrong” ng kaniyang mga kasamahan sa Senado, dahil para sa kaniya, hindi okay na isang “murderous psychopath” ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
Ngayon na aniya ang tamang panahon para pairalin ng mga tao ang kani-kanilang mga konsensya, kasabay ng panawagan sa buong bayan na gumising sa katotohanan.
Sa hiwalay na liham ay una nang binatikos ni De Lima ang mga kapwa niya senador dahil sa pagdududa sa kredibilidad ni Lascañas.
Bumaliktad na aniya ang mundo ngayon dahil kung sino pa ang lantarang nagsisinungaling at paiba-iba ang pahayag ang siya pang pinaniniwalaan, habang ang kredibilidad ng mga nagsasabi ng totoo ay kinukwestyon.