Sa kanyang talumpati sa PMA graduation rites sa Baguio City, sinabi ni Duterte na ngayong araw ay makasaysayan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay walong babaeng kadete ang pasok sa Top 10.
Bukod dito, pinakamarami ang female graduates ng PMA sa taong ito o mula sa 167 graduates, 63 ay mga babae.
Ayon kay Duterte, ito ay tribute para sa lahat ng mga ina, kapatid at anak na babae ngayong ginugunita ang Women’s Month
Ang top 1 o valedictorian ay si Cadet 1st Class Rovi Mairel Martinez, na piniling makapasok sa Philippine Navy.
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina:
2. Philip Modesto Viscata, Ligao City Albay
3. Eda Glis Buansi Marapao, Baguio City
4. Cathleen Jovie Santiano Baybayan, San Fernando Pampanga
5. Carlo Emmanuel Manalasan Canlas, Pampanga
6. Shiela Joy Ramiro Jallorina, Bagabag Nueva Viscaya
7. Sheil Marie Calonge De Guzman, Manaoag Pangasinan
8. Joyzy Mencias Funchica, Butuan City
9. Resie Jezreel Arrocena Hucalla, Compostella Valley
10.Catherine Mae Emeterio Gonzales, Zamboanga City