Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, kaninang alas 4:00 ng hapon, araw ng Martes August 18, namataan ang bagyo sa layong 1,305 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 170 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot ng 205 kph.
Ang bagyo ay tumatahak sa direksiyong pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Sakaling hindi magbago ng direksiyon ay maasahan ang pagtama nito sa lupa sa Biyernes, August 21 sa bahagi ng Batanes.
Samantala, epekto naman ng thunderstorm ang patuloy na nararanasan sa Metro Manila na nakakaapekto rin sa Bulacan, Navotas, Caloocan, Malabon, Paete sa Laguna , Kalayaan, Luisiana, Majayjay, Nueva Ecija sa General Tinio, Quezon Province, sa Real at General Nakar at ilang bahagi ng Pampanga./ Jen Pastrana