Wala ng gagawing necrological service ang Senado para sa namayapang si dating Senador Agapito ‘Butz’ Aquino.
Ayon kay Senador Bam Aquino, huling tagubilin ng kanyang tiyuhin ay huwag ng mag- lamay.
Pero ayon sa nakababatang Aquino, magsasagawa na lamang ng misa ang senado bukas ng alas 2:00 ng hapon.
Kaninang umaga, na- cremate na ang mga labi ng dating senador.
Ayon kay Aquino, dadalhin sa Senado ang ‘urn’ ng kanyang tiyuhin bukas para sa misa.
Sa ngayon ay naka half-mast na ang bandila sa senado bilang pakikiisa sa pagluluksa ng pamilya Aquino.
Agad rin na in-adjourn ang sesyon sa senado matapos maipasa ang resolusyon na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni dating Senador Butz Aquino./ Chona Yu
MOST READ
LATEST STORIES