Ito ay makaraang ipag-utos ni acting DFA secretary Enrique Manalo na suspindehin muna ang pag-iisyu ng pasaporte kay Yasay habang nakabinbin ang resolution na kumukwestyon sa citizenship ng dating kalihim.
Kinumpirma ito ni Assistant Secreatry for Consular Affairs Frank Cimafranca.
Sinabi naman ni Yasay na lingid ito sa kanyang kaalaman dahil hindi ito ipinagbigay-alam sa kanya.
Inihain ni Yasay ang renewal ng kanyang pasaporte noong March 9, makalipas ibasura ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga sa kanya bilang kalihim ng DFA. Ito ay buhat ng kanyang pagsisinungaling sa kanyang US citizenship. / Rohanisa Abbas