Isinara ng pulisya ang Limbecker Platz sa Essen, Germany makaraang makatanggap ng impormasyong posibleng may pag-atake rito.
Ayon sa North Rhine Westphalia Police, ipinasara nila ang naturang mall para maiwasan ang posibleng peligro sa mga pupunta rito. Wala ring pinapayagang makapasok sa carpark nito.
Sinabi ng pulisya na pinag-aaralan na nila ang pinagmulan ng impormasyon.Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang mga ito.
Naglabas na rin ng hotline ang mga otoridad na maaaring tawagan mga residente.
Inanunsyo ng Limbecker Platz sa website nito na hindi muna ito magbubukas sa seguridad. Hingi rin nito ang pang-unawa ng kanilang customers.
Tinatayang 50,000 katao ang pumupunta sa naturang mall.
Samantala, nanatili sa high alert ang Germany matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng mga teroristang grupo.