Ipinahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes na baka maging “number one recruiter” pa ng New People’s Army si Duterte kapag inapakan ng pangulo ang ipinaglalaban ng mga ito.
Giit ni Renato, hindi mawawakasan ng all-out war ang pagrerebelde ng mga komunista.
Inihalibawa ng Bayan ang naging mga hakbang ng mga administrasyon simula nang rehimeng Marcos na nagdeklara ng all-out war ngunit hindi rin nagtagumpay ang gobyerno.
Sinabi ni Renato na pinakamianam pa rin na solusyon sa mga isyung kaugnay ang armas ay ang usapang pangkapayapaan.
Magugunitang nauna nang ipinahayag ng Malacañang na tiyak na makaapekto sa peace talks ang pananambang ng NPA sa apat na pulis sa Bansalan, Davao del Sur.
Kinundena rin ng pangulo ang insidente at idineklarang maaari nang tugisin ng pulisya at militar ang mga rebeldeng komunista.