Kinundena ng Pilipinas ang paglunsad ng missile ng North Korea noong Lunes na bumagsak sa katubigan ng Japan.
Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs ang lubos na pag-aalala nito sa paglunsad ng ballistic missile ng North Korea sa kabila ng panawagan ng international community na itigil na ang ganitong gawain.
Nanawagan din ang Pilipinas ang North Korea na ihinto na ang anila’y pang-uudyok, lalo pa’t labag ito sa resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC).
Ayon sa DFA, pinaiigiting lamang ng mga hakbang na ito ang tensyon, at naapektuhan ang kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula.
Giit ng Pilipinas, dapat na sundin ng North Korea ang international obligations nito, partikular na sa UNSC, at panatilihin ang kapayapaan sa rehiyon.
Magugunitang noong Lunes, nagpakawala ng ballistic missiles ang North Korea bilang protesta sa patuloy na military drills ng South Korea at United States.
Bumagsak ang tatlo o apat nito sa exclusive economic zone ng Japan, 250 kilometro kanluran ng Akita Prefecture.
Umani ito ng pagkondena sa international community, kabilang na ang European Union.