Maintenance shutdown sa Tagaytay radar, extended ng ilang oras

NAIA Terminal 1Hindi masusunod ang itinakdang pagtatapos ng maintence shutdown sa Tagaytay radar bukas (March 11) alas sais ng umaga.

Sa abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), mae-extend ng ilang mga oras pa ang maintenance sa air traffic radar.

Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio nagpalabas na sila ng Notice to Airmen para ipaalam sa mga airline company ang extension.

Naging hadlang aniya ang panahon nitong nagdaang mga araw kaya nahirapana ng kanilang maintenance crew na iakyat ang mga lifting equipment sa tower.

Ani Apolonio, tapos na ang calibration ng radar, pero kailangang iakyat pa sa tower ang mga gamit at delikado itong gawin kapag masyadong malakas ang hangin.

Sinimulan ang shutdown ng Tagaytay radar noong March 6 at magtatapos sana bukas ng 6 a.m. Nagresulta ito sa pagkansela sa daan-daang flights sa NAIA.

 

 

Read more...