P10M halaga ng heavy equipment sa Palawan, sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng NPA

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang mfa heavy equipment na nagkakahalagang 10 milyong piso sa isang planta ng palm oil sa Bataraza, Palawan.

Tinukoy ng pulisya ang mga nasunog na kagamitan gaya ng backhoe, bulldozer, at dump truck.

Batay sa imbestigasyon, hinanap ng armadong kalalakihan ang manager ng Calasaguen Farmers-Producers Cooperative noong Martes.

Gayunman, bigo silang makita ang manager dahilan para balikan nila ang lugar.

Nang bumalik ang mga suspek ay sinilaban na nila ang tatlong heavy equipment.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...