Noong Disyembre unang nagpasya ang korte na ma-impeach si Park at ngayong araw sa inilabas na desisyon, pinapagtibay ang pagpapatalsik sa kaniya sa pwesto.
Kasabay ng impeachment, wala na ring presidential immunity si Park at maari nang malitis sa kaso.
Dahil dito, kinakailangang agad na itakda ang eleksyon sa South Korea para sa magiging bagong pangulo.
Posibleng sa May 9 ganapin ang eleksyon dahil kinakailangang magkaroon ng bagong lider ang South Korea sa loob ng 60-araw matapos mabakante ang pwesto.
Si Acting President at Prime Minister Hwang Kyo-ahn ang magdedesisyon ng eksaktong petsa ng eleksyon.