7 ang sugatan sa ax attack train station sa Germany

Wikipedia Photo
Wikipedia Photo

Pito ang nasugatan sa pag-atake ng isang lalaki na armado ng palakol sa loob ng isang train station sa Germany.

Naganap ang insidente sa main train station sa Dusseldorf kung saan, tatlo sa mga sugatan ay seryoso ang kondisyon.

Arestado naman ang 36-anyos na suspek na ayon sa mga otoridad ay may problema sa pag-iisip.

Naunang iniulat na maaring higit sa isa ang suspek, pero matapos ang isingawang paggalugad sa buong istasyon, kinumpirma ng pulisya na isa lamang ang umatake.

Nagresulta sa pagsasara ng istasyon ang nasabing insidente.

 

Read more...