WATCH: 2 lalaki ibinaba sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, at saka pinagbabaril

17194022_10208026980944638_997394427_oNakita ang unang bangkay sa paanan ng San Mateo Bridge, Batasan Rd., malapit sa Brgy. Banaba.

Tinatayang nasa higit 20 anyos ang biktima na nakasuot ng pulang t-shirt, checkered na shorts at pink na tsinelas.

Ayon sa ilang nakasaksi, isang grey na L300 van ang nagbaba sa biktima saka ito pinaulanan ng bala.

Hindi bababa sa walong basyo ng bala mula sa caliber 45, at isang bala mula sa isang armalite ang nakita sa crime scene.

Samantala, ilang minuto lamang ang nakalilipas, isa pang bangkay ang nakita sa Regalado St., Brgy. North Fairview.

Tulad ng ginawa sa unang biktima, ibinaba rin umano mula sa isang L300 van ang lalaki saka pinagbabaril.

Nakasuot ang lalaki ng pulang t-shirt at puting shorts at kinilalang si Edgardo Garcia, 50 anyos, nagta-trabaho sa isang school canteen.

May malaking tattoo sa kaliwang hita at maliit na tattoo sa kanang paa ang biktima.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa ulo mula sa 9mm pistol at isang tama ng bala sa dibdib mula sa isang M-16 rifle.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang Hello Kitty na paper bag at laman nito ang isang kaha ng sigarilyo na may lamang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa magkasunod na insidente ng pagpatay.

Read more...