Patay sa sunog sa isang shelter sa Guatemala, umabot na sa 30

guatemalaUmakyat na sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa sunog na naganap sa isang shelter sa Guatemala.

Karamihan sa mga nasawi ay pawang kabataang babae at mga duktor na nagtratrabaho sa shelter.

Naganap ang sunog noong Miyerkules sa Virgen De Asuncion Home na kumukupkop sa mga kabataaan na edad 18 pababa.

Sa isang pagamutan, mayroong labingpitong mga pasyente ang seryoso ang kondisyon dahil sa matinding sunog na natamo sa kanilang katawan.

Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy, subalit may mga ulat na isang grupo ng mga kabataan ang maaring sinadya ang panununog matapos silang ilagay sa isolation ng pamunuan ng shelter dahil sa tangkang pagtakas noong Martes ng gabi.

Ang mga kabataan na nasa shelter ay pawang mga juvenile offenders habang ang iba ay biktima ng pang-aabuso.

 

 

Read more...