(UPDATE) Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa pag-ulan na dulot ng tail-end ng cold front.
Sa abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga nakataas ang yellow warning level sa lalawigan ng Basilan, sa Dinagat Islands at sa Siargao Islands.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala, nakararanas naman ngayon ng light hanggang moderate na pag-ulan sa bahagi ng Camiguin, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Zamboanga del Norte at Sulu.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga apektadong residente na mag-antabay sa susunod nilang abiso.
MOST READ
LATEST STORIES