Sa kanyang privilege speech, hiniling ni Garcia na imbestigahan ng Mababang Kapulunhan ang sinasabing operasyon ng iligal na droga sa CPDHC, na rason umano kung bakit pinaghubad ang mga preso at hinanapan ng mga kontrabando.
Sinabi ng deputy speaker na nakitaan ng Amnesty International at iba pang human rights groups ng may paglabag sa karapatang pantao sa nangyaring raid.
Sinisi naman ni Garcia si incumbent Cebu Gov. Hilario Davide III kung bakit nababalot ngayon sa kontrobersiya ang isyu.
Naunang nag-trending sa social media ang iba’t ibang larawan ng mga hubad na inmates na umani ng batikos mula sa netizens.
Pinabulaanan naman ng regional director ng PDEA ang akusasyon ng pag-abuso at iginiit na naghubad ang mga preso sa loob ng kanilang detention cells bago lumabas sa jail quadrangle.