Dahil dito, itinakda ng Sandiganbayan 4th division ang arraignment ni Pichay sa May 30, 2017.
Nakabitin pa kasi ang motion for reconsideration ng depensa at prosekusyon ukol sa pagpapadetermina ng probable cause sa mga asunto laban kay Pichay.
Ang mambabatas ay nahaharap sa kasong graft at paglabag sa banking regulations.
Nauna nang naibasura ng korte ang kasong malversation laban kay Pichay.
Kapwa niya akusado ang negosyanteng si William Gatchalian na may-ari ng thrift bank na binili noon ng LWUA.
Sabit din sa kaso ang iba pang miyembro ng pamilya Gatchalian maliban kay Senador Sherwin Gatchalian na abswelto na sa kaso.