Ito’y dahil sa katwirang hindi rin naman maipapatupad ang parusang kamatayan sa mga mahahatulan sa ilalim ng Duterte administration.
Sa pagtaya ni Atienza, sakali mang maging ganap na batas ang Death Penalty bill ay sa taong 2022 pa mayroong mapapatawan ng death penalty.
Sa panahong iyon ay aabot na sa pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag ni Atienza, kung maging batas man ang death penaty reimposition ay kakailanganin pa ng Department of Justice o DOJ ng anim na buwan upang makabuo ang bagong manual of execution.
Ang nasabing manual ay tiyak din aniyang makukwestyon sa Korte Suprema.
Una nang sinasabi ni Pangulong Duterte na kapag naipasa ang Death Penalty bill ay lima hanggang anim na kriminal kada araw ang bibitayin.
Sa halip na madaliin ang pagsasabatas ng Death Penalty bill, igiinit ni Atienza ang pagkakaroon ng malawakang reporma sa criminal justice system sa bansa.
Si Atienza ay isa sa limampu’t apat na Kongresista na bumotong ‘no’ sa 3rd and final reading approval ng Kamara sa Death Penalty bill.
Ang kapalaran ng panukala sa Senado ay nakabibin pa rin.