Sa kaniyang isinumiteng report sa Korte Suprema, inirekomenda ni retired Supreme Court Associate Justice Roberto Abad na masampahan ng aksong administratibo si Baguio City RTC Branch 1 Judge Antonio Reyes dahil sa korapsyon.
Si Abad ang naatasan na magsagawa ng fact-finding investigation sa pagkakasangkot ng ilang hukom sa illegal drugs base sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte.
Sa kaniyang naunang report, nilinis na nito ang pangalan nina Judges Exequil Dagala ng Dapa-Socorro, Surigao Municipal Circuit Trial Court, Adriano Savilla ng Iloilo City RTC at Domingo Casiple ng Kalibo, Aklan RTC.
Ito ay makaraang kapwa mabigo ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makapagsumite ng ebidensya na magpapatunay na protektor ng illegal drugs ang tatlong hukom.
Sa kaso ni Reyes, sinabi ni Abad na nagsumite ang PDEA ng affidavit na mayroong petsa na Oct. 26, 2007 at nialgdaan ng isang Paul Black.
Si Black na isang convicted sa kasong droga sinabing nagbayad siya ng P50,000 kay Reyes, para mabasura ang kaso laban sa kaniyang asawa.
Matapos maibigay ng dalawang hati ang pera, ay napawalang-sala nga ang kaniyang misis.
Sa iba pang dokumento ng PDEA, lumitaw na ibinasura din ni Reyes ang drug case against laban sa isang Norma Domingo at pagkatapos ay kinutsaba ito ng hukom para makipag-negosasyon sa iba pang akusado na may kinakaharap na drug cases.
Kalakip din ng report ni Abad ang memorandum na may petsang Nov. 26, 2007 kung saan, nag-isyu pa umano si Domingo ng resibo para sa halagang P300,000 na ibinayad ng isang Richard Lagunilla para siya ay ipawalang-sala din ni Judge Reyes.