19 patay sa nasunog na bahay-ampunan sa Guatemala

 

Hindi bababa sa 19 katao, karamihan mga menor de edad na babae ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang bahay-ampunan sa bansang Guatemala.

Ayon sa Guatemala City volunteer fire department, tinupok ng apoy ang Virgen de Asuncion sa bayan ng San Jose, Pinula, na may layong 25 kilometro sa kanlurang bahagi ng Guatemala City.

Natagpuan ang bangkay ng 19 na biktima na sa lugar na pinangyarihan ng sunog.

Nasa mahigit mahigit 24 katao pa ang ginagamot sa iba’t ibang pagamutan dahil sa resulta ng sunog.

Ang naturang bahay-ampunan ay kalimitang kanlungan ng mga kabataang naging biktima ng karahasan.

Read more...