Si Zuckerberg ang isa sa pinakasikat na college dropout ng Harvard matapos nitong itaguyod ang Facebook na pinakapopular na social media site sa ngayon.
Sa isang video na ipi-nost sa kanyang Facebook page, inanunsyo ni Zuckerberg ang speaking engagement habang kasama si Bill Gates na founder ng Microsoft.
SI Gates ay isa rin sa mga dropout ng Harvard at naging commencement speaker ng unibersidad nong 2007.
Sa video, pabirong tinanong pa ni Zuckerberg kung batid ba ng Harvard na hindi sila aktuwal nan aka-graduate sa unibersidad.
Si Zuckerberg ay nag-dropout sa Harvard noong ito ay nasa second year college pa lamang noong 2004.
Gayunman, bago ito umalis ay sa Harvard niya nabuo ang Facebook na eksklusibong ginagamit lamang noon ng mga estudyante ng unibersidad.
Gayunman, sa kanyang pag-alis sa Harvard, kanya na itong ipinakalat sa mundo at ngayon ay nagagamit na ng nasa isang bilyong katao.