Pinangalanan bilang world’s best country ang Switzerland, base sa survey na isinagawa sa mahigit 21,000 katao mula sa tatlumpu’t anim na bansa.
Ipinapakita ng resulta ng US News and World Report survey ang global reputation ng mga bansa sa buong mundo, pati na ang kasalukuyang political climate.
Layon ng mga katanungan sa survey na i-evaluate ang mga bansa sa 65 attributes, na hinati sa nine subrankings – ito ang adventure, citizenship, cultural influence, entrepreneurship, heritage, movers, open for business, power at quality of life.
Ngayon ang kauna-unahang beses na naitanghal bilang world’s top country sa taong ito, dahil sa mataas na global perceptions sa kanilang social systems, protection of human rights at business-friendly environment.
Pasok naman sa top five spots ang Canada, United Kingdom, Germany, Japan at Sweden.
Samantala ang United States, bumagsak naman sa ikapitong spot mula sa ika-apat na ranking noong nakaraang taon.