Ito ay para mabigyan sila ng akreditasyon bilang Transport Network Vehicle Service o TNVS provider.
Walong kahon ang dinala ng managing director ng Grab Car na si Brian Cu na naglalaman ng aplikasyon ng 160 Grab Car members.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ang Grab Car ang unang naghain ng aplikasyon para sa TNVS, habang ang Uber naman ang unang nagsumite kahapon ng aplikasyon para ma-accredit sa ilalim ng Transportation Network Company (TNC). “Grab Car’s first Peer Applicant submits application as a Transport Network Vehicle Service provider with LTFRB,” ayon kay Ginez.
Hanggang August 20 lamang ang ibinigay ng LTFRB sa mga online based o APP based transportation company para maghain ng application for accreditation sa ahensya.
Sa August 21 kasi, sisimulan na ng LTFRB ang paghuli sa mga bumibiyaheng private vehicles sa ilalim ng Uber at Grab Car na hindi rehistrado./ Erwin Aguilon