Mag-landfall man o hindi ang bagyong Ineng, PAGASA,magtataas ng public storm warning signal

Augs 17Goni SatMagtataas ng public storm warning signal ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa bahagi ng Northern Luzon na maaapektuhan ng bagyong may international name na Goni.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAGASA Forecaster Glaiza Escullar sinabi nito na tumama man o hindi sa kalupaan ng bansa ang bagyo na papangalanang Ineng ay may itataas pa ring warning signals sa hilagang bahagi ng bansa.

Paliwanag ni Escullar, kahit dumeretso paakyat ang bagyo, hagip pa rin ng rainband nito ang Northern Luzon.

Sinabi ni Escullar na maaring sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga itaas ang public storm warning signals. “Sa Northern Luzon, itataas ang storm warning signals late Wednesday or Thursday morning,” ayon kay Escullar.

Dagdag pa ni Escullar, ang hanging habagat na palalakasin ng bagyo ay mararamdaman sa Visayas at Eastern Mindanao mula sa Miyerkules. Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan aniya ang mararanasan sa nabanggit na mga lugar.

Sa Huwebes naman magsisimulang maramdaman ang Habagat sa Southern Luzon, Western Section ng Luzon at sa MIMAROPA kabilang ang Metro Manila. Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan din ang maararanasan sa nasabing mga lugar, pero sa Biyernes mas lalakas ang pag-ulang epekto ng habagat.

Ang isa pang bagyo na nakabuntot kay Goni na may international name na Atsani ay hindi na inaasahang papasok sa bansa./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...