Data traffic ng Globe tumaas ng 44%

 

Umakyat ng 44% ang mobile data traffic na sineserbisyuhan ng Globe nitong nakalipas na 2016 na katumbas ng 361 petabyte (PB) mula sa 252 petabytes noong nakaraang 2015.

Ito ay matapos umabot sa 61% ang bilang ng mga Pinoy subscribers na gumagamit ng kanilang mga smartphone upang maka-access ng internet noong nakaraang taon.
Ayon sa Globe, kasunod ito ng agresibong pagpapasigla ng kanilang network upang mapalawak ang kanilang coverage.

Ayon kay Globe President & CEO Ernest Cu, ipinakikita lamang ng naturang mga datos ang patuloy na pagsusumikap ng kumpanya na isaayos ang sistema ng internet sa bansa.

“Our efforts are bearing fruit and we expect mobile internet experience to improve further moving forward as we continue with the aggressive deployment of LTE sites in major cities, thereby, providing better indoor signal and larger capacity,” dagdag ni Cu.

Batay sa pinahuling ulat, nitong January 2017, umaabot na sa 129.4 million ang bilang ng mga mobile subscribers na katumbas ng 9% na increase kumpara nitong nakaraang taon.

Nasa 60 million o 58% ng kabuuang populasyon ang may access sa internet samantalang nasa 54 milyon naman ang aktibong gumagamit ng social media sa kanilang smartphone.

Umaabot na rin sa 13 Mbps ang average internet speed ng mobile intenet samantalang nasa 4.1 Mbps ang fixed connection.

Umaabot naman sa average na 4 hours at 17 minutes kada araw ang iginugugol ng isang Pinoy kada araw sa social media ayon sa ulat.

Read more...