EXCLUSIVE: Panghoholdap sa isang lalaki sa tapat ng kanyang tindahan, nakuhanan sa CCTV

Nabiktima ang isang lalaki nang panghoholdap ang isang hindi pa nakilalang suspek sa tapat lang ng kanyang canteen sa Filmore St., Brgy. Palanan, Makati City.

Dumulog sa Radyo Inquirer ang naturang biktima na nagpatago ng kanyang pagkakakilanlan kaugnay ng insidente na nakunan ng CCTV ng kanyang tindahan na nailagay lang aniya nitong Linggo lang.

Bandang alas dose ng tanghali noong Lunes, March 7 habang siya ay nag-iihaw ng kanyang mga paninda ay bigla na lamang siyang nilapitan ng isang lalaki at tinutukan siya ng baril sa kanyang ulo.

Dagdag pa ng biktima ng akmang aagawin niya ang baril ng suspek ay bigla umatras ito at hinablot ang suot-suot niyang gold necklace at bracelet na tinatayang na nasa 60,000 hanggang 70,000 pesos ang halaga.

Aniya walang nakapansin sa mga kasamahan niya na siya ay hinoholdap na dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Dali-dali namang tumakas sa lugar ang suspek papunta sa nakaabang na van malapit sa tindahan.

Matapos ito, ay sinubukan ng biktima na habulin ang van na sinasakyan ng suspek pero bigo siyang maabutan ito.

Ayon sa biktima, wala naman siyang napansin na umaaligid-aligid sa kanilang lugar bago mangyari ang naturang pangho-holdap.

Agad namang ipina-blotter ng biktima ang nasabing insidente sa pulisya para maimbestigan.

Humingi na ng kopya ang mga otoridad ng kopya ng CCTV at ng iba pang kuha sa mga kalapit na lugar.

Read more...